MAIKLING KWENTO
MAIKLING KWENTO
Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
MGA ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
- Panimula
- Saglit na kasiglahan
- Suliraning
- Tunggalian
- Kasukdulan
- Kakalasan
- Wakas
- Tagpuan
- Paksang diwa
- Kaisipan
- Banghay
MGA BAHAGI NG MAIKLING KWENTO
Ang maikling kwento ay may tatlong bahagi ito:
- Simula
- Gitna
- Wakas
Mga Uri ng Maikling Kwento
Ang maikling kwento ay may mga sumusunod na uri:
Kwentong Nagsasalaysay - masaklaw, timbang na timbang ang mga bahagi, maluwag at hindi apurahan ang paglalahad.
Kwentong Tauhan- binibigayng diin nito ang tauhan ng mga tauhang gumagalaw sa kuwento.
Kwentong Katutubong Kulay - binibigyang diin nito ang tagpuan at kapaligiran ng isang pook. Masusing inilalarawan ang mga tao sa isang pook, pamumuhay nila, ang kanilang mga kaugalian at gawi na napapaloob sa kuwento.
Kwentong Sikolohiko - nilalarawang mabuti nito ang mga tauhan sa isipan ng mga mambabasa upang mipadama ang damdamin at nararanasan ng isang tao sa harap ng isang pangyayari o sitawasyon.
Kwentong Talino - mahusay ang pagkakabuo ng balangkas nito. Kailangang lumikha ang may akda ng makasuliraning kalagayan upang mamahay sa pag-aalinlangan hanggang ang takdang oras ay sumapit ang paglalahad ng kalutasan
Kwento ng Katatawanan- ang takbo ng pangyayari ay may kabagalan at may mangilan-ngilang paglihis sa balangkas at galaw ng mga pangyayari.
Kwento ng Katatakutan - pinupukaw nito ang kawilihan ng mambabasa sa halip na ang kilos sa kuwento. Binibigyang diin ang mga simulaing kaisahan at bias.
Kwento ng kababalaghan - binibigyang diin nito amg mga bagay na kapana-panabik, hindi kapani-paniwala at salungat sa hustong bait, kaisipan at karanasan ng tao. Kataka-taka ang mga pangyayari subalit magbibigay ito ng kasiyahan sa mambabasa.
Kwento ng Madulang Pangyayari - ang mga pang-yayari ay kapansin-pansin, lubahang mahalaga, nagbunga ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga tauhan.
Kwento ng Pakikipagsapalarang Maromansa - nasa balangkas ang kawilihan sa halip na sa mga tauhan ang kawilihan, sa mga kawil ng mga pangyayari ang siyang bumabalot sa pangunahing tauhan.
Mga Halimbawa ng Maikling Kuwento:
Ang Inang Matapobre
Ang Inang Matapobre
Sa Barangay Mahinahon, kilala si Aling Cora bilang isang mayamang biyuda na may isang anak na si Liza. Dahil sa kanilang yaman, madalas maging mapagmataas si Aling Cora sa ibang tao sa kanilang barangay.
Isang araw, habang naglalakad sina Aling Cora at Liza, nakita nila ang ilang mga bata na naglalaro sa putikan.
“Liza, huwag kang lalapit diyan. Madudumihan ka lang ng mga batang ‘yan,” sabi ni Aling Cora, habang hinila palayo ang anak.
“Ngunit Inay, mukha naman silang masaya,” sagot ni Liza, na may bakas ng pagtataka.
Sa paaralan, si Liza ay naging kaibigan ng isang mahirap na batang babae na si Ana. Nalaman ito ni Aling Cora at hindi siya natuwa.
“Liza, hindi mo dapat pinapansin ang mga batang iyan. Iba ang ating estado sa buhay,” mariing sabi ni Aling Cora.
Ngunit hindi sumang-ayon si Liza. “Inay, mabait po si Ana. Hindi naman po mahalaga ang yaman para maging magkaibigan.”
Isang gabi, nasunog ang bahay ni Aling Cora dahil sa isang aksidente. Nawalan sila ng lahat. Ang mga kapitbahay na dating hinamak ni Aling Cora ang siyang unang tumulong sa kanila.
Sa gitna ng kanilang kahirapan, si Ana at ang kanyang pamilya ang nag-alok ng tulong at kanlungan kay Aling Cora at Liza.
Sa mga araw na sila’y magkasama, unti-unting naunawaan ni Aling Cora ang tunay na kahulugan ng pagmamahal at pagiging mapagpakumbaba.
Natutunan niyang pahalagahan hindi lamang ang yaman kundi ang pagtulong at pagkakaisa ng komunidad.
“Ana, salamat sa inyo. Mali ako sa aking pagmamataas. Ang tunay na kayamanan pala ay nasa puso at hindi sa bulsa,” sabi ni Aling Cora, na may luha sa kanyang mga mata.
Aral sa Kwentong “Ang Inang Matapobre”
- Ang tunay na yaman ay hindi nasusukat sa materyal na bagay kundi nasa kabutihan ng puso at pagtulong sa kapwa.
- Hindi dapat hinuhusgahan ang tao base sa kanilang katayuan sa buhay.
- Ang pagiging mapagpakumbaba at pag-unawa sa iba ay mahalaga para sa tunay na kaligayahan at pagkakaisa.
- Sa oras ng kagipitan, ang tunay na pagkatao ng isang indibidwal ay nasusubok at doon lumilitaw ang tunay na kayamanan ng pagmamahalan.
Ang Punong Kawayan
Sa isang bakuran,
may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian.
Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.
Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.
“Tingnan ninyo ako,” wika ni Santol. “Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.”
“Daig kita,” wika ni Mangga. “Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga.”
“Higit akong maganda,” wika ni Kabalyero. “Bulaklak ko’y marami at pulang-pula. Kahit malayo, ako ay kitang-kita na.”
“Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga,” wika ni Niyog.
“Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.”
Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.
Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang pinalakas ang kanyang paghiip.
At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta.
Aral sa kwentong Ang Punong Kawayan
- Ang kayabangan ay nagpapababa sa dangal ng tao. Kaya huwag maging mayabang.
- Maging tulad ng kawayan na mapagpakumbaba. Bagaman hindi siya kasing gaganda at kasing-tikas ng ibang mga puno, siya naman ay higit na matatag sa oras ng pagsubok.
SANDAANG DAMIT ni FANNY GARCIA
May isang batang mahirap. Nag –aaral siya. sa paaralan ay kapansin-pansin ang kaniyang pagiging walang –imik. Malimit siyang nag-iisa. Laging nasa isang sulok. Kapag naka upo na’y tila ipinagkit.laging nakayuko,mailap ang mga mata,sasagot lamang kapag tinatawag ng guro. Halos paanas pa kung magsalita. Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang natuklasang kaiba ang kanyang kalagayan sa mga kaklase. Ipinakita at ipinabatid nila iyon sa kaniya. Mayayaman sila. Magaganda at iba-iba ang kanilang damit na pamasok sa paralan. Malimit nila siyng tuksuhin sapagkat ang kaniyang damit, kahit nga malinis, ay halatang luma na palibhasa’y kupasin at punong –puno ng sulsi. ILARAWAN ANG PISIKAL AT EMOSYUNAL NA KALAGAYAN NG BATANG BABAE. Kapag oras na ng kainan at labasan na ng kani-kanilang pagkain,halos ayaw nyang ilitaw ang baon. itatago niya sa kandungan ang kaniyang pagkain ,pipiraso ng pakonti-konti,tuloy subo sa bibig ,mabilis upang hindi malaman ng mga kaklase ang kaniyang dalang pagkain. Sa sulok ng kaniyang mga mata ay nasusulyapan niya ang mga pagkaing nakadispley sa ibabaw ng pupitre ng mga kaklase :mansanas, sandwiches,kending may iab-ibang hugis at kulay na pambalot na palara. Ang panunukso ng mga kaklse ay hindi nagwawakas sa kaniyang mga damit. Tatangkain nilang silipin kung ano ang kaniyang pagkain at sila’y magtatawanan kapag nakita nilang ang kaniyang baon ay isa lamang pirasong tinapay na karaniwa’y walang palaman.
Kaya lumayo siya sa kanila. Naging walang kibo. Mapag- isa. BAKIT NAGING MALULUNGKUTIN AT WALANG –KIBO ANG BATANG BABAE? Ang nangyayari ito’y hindi naman lingid sa kaniyang ina. Sa bahay ay di minsan o makalawa siyang umuuwing umiiyak dahil sa panunukso ng mga kaklase ,at siya’y magsusumbong. Mapapakagatlabi ang kaniyang ina,matagal itong hindi makakakibo, at sabay haplos nito sa kanyang buhok at paalong sasabihin sa kaniya,”hayaan mo sila anak”,huwag mo silang pansinin,hamo, kapag nakakuha ng maraming pera ang iyong ama, makakabaon ka na rin ng masasarap na pagkain,mabibili na rin kita ng maraming damit” At lumipas pa ang maraming araw.ngunit ang ama’y hindi pa rin naka pag uwi na maraming pera kaya ganoon pa rin ang kanilang buhay. Ngunit ang bata’y unti-unting nakaunawa sa kanilang kalagayan.natutuhan niyang makibahagi sa malaking suliranin ng kanilang pamilya. Natutuhan niyang sarilinin ang pagdaramdam sa panunukso ng mga kaklase. Hindi na siya umuuwing umiiyak. Hindi na siya nagsusumbong sa kaniyang ina. ANO SA IYONG PALAGAY ANG EESTADO NG BUHAY NG PAMILYA NG BATANG BABAE? PATUNAYAN ANG IYONG SAGOT. Sa kaniyang pagiging tahimik ay ipinalagay ng kaniyang mga kaklase na siya’y kanilang talun-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pambubuska. Lumang damit,di masarap na pagkain. Mahirap. Isinasalaksak nila sa kaniyang isip. Hanggang isang araw ay natuto siyang lumaban. Sa buong pagtataka nila’y bigla na lamang nag katinig ang mahirap na batang babaeng laging kupasin,puno ng sulsi,at luma ang damit,ang batang lagging kakaunti ang baong pagkain. Yao’y isa na naman sanang
pagkakataong walang magawa ang kaniyang mga kaklase at siya na naman ang kanilang tinutukso. “alam n’yo “, aniya sa malakas at nagmamalaking tinig,”ako’y may sandaang damit sa bahay”. Nagkatinginan ang kaniyang mga kaklase,hindi sila makapaniwala.
pinagupitgupit namumunting bulaklak at makikislap na rosas at puting abaloryo. Bolga ang manggas. May-tig isang malaking laso sa magkabilang balikat. Hanggang sakong ang haba ngdamit. O kaya’y ang kanyang dilaw na pantulog na may prutas sa kuwelyo, manggas, at laylayan. O ang kaniyang puting pang samba na may malapad na sinturon at malalaking bulsa.
“Kung totoo ‘ya’y ba’t lagi nalang luma ang suot mo?” Mabilis ang naging tugon niya. “Dahil iniingatan ko ang aking sandaang damit. Ayokong maluma agad”. NANINIWALA KA BANG MAY SANDAANG DAMIT ANG BATANG BABAE?
Mula noo’y naging kaibigan kaibigan ang mga kaklase. Ngayo’y siya ang nagging tagapag salita at sila nama’y kanyang naging tagapakinig. Lahat sila’y natutuwa sa kaniyang kwento tungkol sa sangdaang damit. Nawala ang kanyang pagkamahiyain. Naging masayahin siya bagaman patuloy pa rin ang kaniyang pamamayat kahit ngayo’y nabibigyan nila siya ng kapiraso ng kanilang kapirasong mansanas o sandwich, isa o dalawang candy.
BAKIT OO? BAKIT HINDI?
“Sinungaling ka! Ipaliwanag mo muna samin para kami maniwala!” iisang tinig na nasabi nila sa batang mahirap. “Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni nanay. Kung gusto n’yo’y sasabihin ko nalang kung ano ang tabas,kung ano ang tela,kung ano ang kulay,kung may laso o bulaklak”. At nagsimula na nga siyang maglarawan ng kaniyang mga damit. Ayon sa kaniya’y may damit sya para sa iba-ibang okasyon. May damit siyang pang bahay, pantulog, pampaaralan, pangsimbahan, at iba pa. Naging mahaba ang kaniyang pagkukuwento. Paano’y inilarawan hanggang kaliit-liitang detalye ng bawat isa sa kaniyaang sandaang damit. Tulad halimbawa sa isang damit na pandalo niya sa pagtitipon. Makintab na rosas ang tela nito nasinabugan ng Ngunit isang araw ay hindi pumasok sa klase ang mahirap na batang babaeng may sandaang damit. Saka ng sumunod na araw at nang sumunod pa. at pagkaraan ng isang linggong hindi niya pagpasok ay nabahala ang kaniyang mga kaklase at guro. ANO SA IYONG PALAGAY ANG NANGYARI SA BATANG MAY SANDAANG DAMIT? BAKIT KAYA SIYA HINDI NAKAKAPASOK SA ESKWELA? Isang araw nagpasya silang dalawin ang batang matagal nalumiban sa klase. Ang natagpuan nilang bahay ay sira-sira at nakagiray na sa kalumaan. Sumungaw ang isang babaeng payat, iyon ang ina ng batang mahirap. Pinatuloy sila at nakita nila ang maliit na kabuuan ng kabahayan ba salat na salat sa anumang karanyaang kasangkapan. At sa isang sulok ay isang lumang teheras at doon nakaratay ang batang babaeng may sakit pala. Ngunit sa mga dumalaw ay di agad ang may sakit ang napagtuunang-pansin kundi ang mga papel na maayos na
maayos nakahanay at nakadikit sa dingding na kinasasandigan ng teheras. Lumapit sila sa gilid na yaon. Makukulay. Naroong lahat ang kaniyang na ekwento. Totoo’t naroon ang sinasabi niyang rosas na damit na pandalo sa pagtitipon. Naroon din ang drawing ng kanyang pantulog,ang kanyang pansimba,ang sinasabi niyang pamasok sa paaralan na kailanma’y hindi nasilayan ng mga kaklase dahil ayon sa kaniya’y nakatago’t iniingatan niya sa bahay. Sandaang damit na pawang ginuhit lamang.
Ang aral ng kwentong Sandaang Damit
- Ang pagpapahalaga sa tunay na halaga ng tao higit pa sa kanyang panlabas na anyo o materyal na pag-aari.
- Sa kwento, ipinakita na ang bata na walang magarang damit ay patuloy na kinutyaat minaliit ng kanyang mga kaklase, ngunit sakabila nito, siya ay mayaman sa mga pangarap at imahinasyon. Itinuturo sa atin ng kwentong ito na ang yaman ng puso at isipan ay mas mahalaga kaysa sa anumang pisikal na bagay.
- Mahalaga na maging mapagbigay at maunawain tayo sa ating kapwa, at huwag husgahan ang iba base sa kanilang panlabas na anyo o estado sa buhay.
- Ang tunay na kahalagahan ng isang tao ay nakikita sa kanyang kalooban, at ang pagkakaroon ng mabuting puso ay mas higit na yaman kaysa sa mga materyal na bagay.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG MAIKLING KWENTO
PARAAN KUNG PAANO SUMULAT
NG MAIKLING KWENTO
Sanggunian:
https://www.scribd.com/document/477904837/Maikling-Kwento-para-sa-PT-docx
https://junyorkwentistas.weebly.com/ano-ang-maikling-kwento.html
https://pinoycollection.com/maikling-kwento-tungkol-sa-kalikasan/
https://www.mgakwentongbayan.com/sandaang-damit/
https://youtu.be/Yg9ffemkYeE?si=1AZIzJpZ3IKNzdr1
https://youtu.be/YLnqyXPsN7k?si=7PPI2pI7JRjp0MXx
https://youtu.be/fH2OyFDtcis?si=UM7qlEGPWmxnIYlo
%20(13).jpeg)
%20(15).jpeg)
%20(16).jpeg)

Comments
Post a Comment